Mahigit 20 milyong dosis na bakuna kontra COVID-19, naihatid ng COVAX

2021-03-06 15:57:07  CMG
Share with:

Ipinahayag ito Marso 5 , 2021 ng World Health Organization (WHO), sa  pamamagitan ng COVID-19 Vaccines Global Access Facility o COVAX, mahigit 20 milyong dosis na bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang naihatid na sa 20 bansa ng daigdig.

Mahigit 20 milyong dosis na bakuna kontra COVID-19, inihatid na ng COVAX_fororder_tandesai

Sinabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng WHO, na sa susunod na linggo, ihahatid ng COVAX ang 14.4 milyong dosis na bakuna sa 31 iba pang bansa.

 

Pero, sinabi niyang maliit pa rin ang bolyum ng bakuna na ipinagkaloob ng COVAX, dahil 2% hanggang 3% lamang ng populasyon ng mga bansa ang tumanggap ng naturang mga bakuna.

 

Sa kabila nito, sinabi ni Tedros, na nagsisikap ang WHO para mag-iugnay ang mga kompanya ng pagpoprodyus ng bakuna at mga kompanya na mayroong kakayahang gumawa nito, na magtulungan upang pabilisin ang pagpoprodyus ng bakuna at dagdagan ang bolyum nito.

 

Ang COVAX ay pandaigdigang inisyatiba na magkakasamang pinamumunuan ng WHO at iba pang mga partner.

 

Layon nitong igarantiya ang pantay-pantay na pagkuha at pagbabahagi ng bakuna kontra COVID-19 para sa lahat ng miyembro nito.

 

 Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method