Kaloob na bakuna kontra COVID-19 ng Tsina, dumating ng Guinea

2021-03-04 15:28:08  CMG
Share with:

Dumating nitong Miyerkules, Marso 3, 2021 ng Conakry, kabisera ng Guinea ang bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na ibinigay ng pamahalaang Tsino sa pamahalaan ng Guinea.
 

Sa seremonya sa paliparan, sinabi ni Ibrahima Khalil Kaba, Ministrong Panlabas ng Guinea, na pagkaraang iharap ng kanyang bansa sa panig Tsino ang kahilingan sa bakuna, mabilis at aktibong tumugon ang panig Tsino, at napapanahong ipinagkaloob ang tulong.

Kaloob na bakuna kontra COVID-19 ng Tsina, dumating ng Guinea_fororder_20210304Guinea1

Aniya, ang ibinigay na saklolo ng Tsina ay nagkakaloob ng mabisang garantiya sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayang Guinean.
 

Nananalig aniya siyang sa ilalim ng suporta at tulong ng Tsina, tiyak na pagtatagumpanyan ng Guinea ang pandemiya sa wakas.
 

Salin: Vera

Please select the login method