Diplomasya at “Cloud Diplomacy” ng Lider Tsino, binanggit ni Wang Yi

2021-03-07 15:50:02  CMG
Share with:

Diplomasya at “Cloud Diplomacy” ng Lider Tsino, binanggit ni Wang Yi_fororder_20210307WangYi2550

Sa preskon ng 2021 Dalawang Sesyon na idinaos Linggo, Marso 7, 2021, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na noong isang taon, tinahak ng Tsina kasama ng iba’t-ibang bansa sa daigdig ang di-karaniwang landas.

 

Ani Wang, sa ilalim ng malakas na pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na nasa sentro si Xi Jinping, buong sikap na kinaharap ng Tsina ang walang katulad na hamon para aktibong mapatingkad ang karapat-dapat na papel ng Tsina.

 

Sinabi niya na buong tinding tinututulan ng Tsina ang hegemonya sa daigdig, at buong tatag na nilalabanan ang di-makatuwirang panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method