Konseho ng Estado ng Tsina: Dapat gamitin ang maraming paraan para mapabuti ang mga gawain sa gagawing Dalawang Sesyon

2021-02-19 14:06:18  CMG
Share with:

Ayon sa pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina na idinaos nitong Huwebes, Pebrero 18, 2021, hiniling nito na bago idaos ang Dalawang Sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), dapat mapabuti ang mga kaukulang gawain ng pakikinig at pangongolekta ng mga mungkahi.
 
Bukod dito, hiniling din nito sa iba’t-ibang departamento na aktibong gamitin ang mga platapormang gaya ng internet, hot-line, at video link, para maisagawa ang walang hadlang na pakikipagpalitan sa mga kinatawan at kagawad ng Dalawang Kapulungan.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method