Pagbubukas ng Liang Hui o Dalawang Sesyon sa nakatakdang iskedyul, tagumpay ng Tsina laban sa COVID-19: Tsina, isang karwaheng humahatak sa Asya tungo sa pag-unlad

2021-03-06 18:34:15  CMG
Share with:

Pagbubukas ng Liang Hui o Dalawang Sesyon sa nakatakdang iskedyul, tagumpay ng Tsina laban sa COVID-19: Tsina, isang karwaheng humahatak sa Asya tungo sa pag-unlad_fororder_20200605anibersaryo45.mp4_20210306_183331.673

File photo ni Embahador Sta. Romana sa panayam ng CMG-Filipino Service

 

Pakinggan ang buong pahayag ni Embahador Sta. Romana

 

Sa eksklusibong panayam sa China Media Group-Filipino Service, Marso 6, 2021  sinabi ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, na ang pagbubukas ng Liang Hui o Dalawang Sesyon sa nakatakdang iskedyul ngayon taon ay nagpapakita ng tagumpay ng Tsina laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

"Para sa Tsina at para sa buong mundo, [ang] pagbukas nitong Liang Hui, nitong NPC at CPPCC sa Marso ay nagpapakita ng tagumpay ng Tsina sa pagkontrol ng pandemiya, at kaya na nilang ibalik sa normal ang kanilang mga politikal na proseso…" saad ng embahador.

 

Ipinakikita rin aniya ng nasabing pulong ang kompiyansa ng Tsina na kaya nilang ibalik sa normal ang pamumuhay ng mga mamamayan at nasa landas na sila ng muling pagbangon ng kabuhayan.

 

Dagdag ni Sta. Romana, sa Liang Hui noong nakaraang taon, walang itinakdang target sa paglago ng ekonomiya ang Tsina, pero ngayong taon, ito ay inilagay sa mahigit 6%.

 

Ito rin aniya ay isa pang mahalagang elemento ng kasalukuyang Liang Hui na nagpapakitang tumatahak ang Tsina tungo sa muling pagbangon at pag-unlad.

 

"… at makikita pa natin, sa tingin ko, sa taong ito susubukang [malampasan] ang target na iyan. At malaking tulong ito sa pandaigdigang pagbangon ng kabuhayan, lalung-lalo na sa rehiyonal na pagbangon ng kabuhayan," saad ng embahador.

 

Aniya, ang Tsina ay parang isang karwaheng humahatak sa buong rehiyong ng Asya tungo sa pagbangon at pag-unlad.

 

"Parang ano iyan eh, parang karwahe. Dinadala niya iyong rehiyon. Habang bumibilis ang andar niya, nadadala rin ang buong rehiyon. Kaya, malaking bagay [para] sa atin ito," saad pa ng embahador.

 

Reporter: Rhio Zablan

Please select the login method