Tinukoy ngayong araw, Marso 7, 2021 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na nitong nakalipas na 24 na taon sapul nang bumalik ang Hong Kong sa inang bayan, walang sinuman ang nagbigay ng mas malaking pagpapahalaga sa pag-unlad ng demokrasya ng Hong Kong kaysa pamahalaang sentral, at wala ding sinuman ang nagkaroon ng mas malaking pananabik sa pagpapanatili ng kasaganaan at katatagan ng Hong Kong.
Aniya, determinado ang Tsina na patuloy na igiit ang “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” “pamamahala sa Hong Kong ng mga taga-Hong Kong” at awtonomiya sa mataas na antas, at may kompiyansa ring lilikha ng kondisyon para sa paganda nang pagandang kinabukasan ng Hong Kong.
Diin ni Wang, ang pagpapabuti sa sistemang elektoral ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) at pagpapatupad ng pangangasiwa sa Hong Kong ng mga patriots o makabayan ay aktuwal na pangangailangan para sa pagpapasulong sa usapin ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema” at pagpapanatili ng pangmatagalang seguridad at katatagan ng Hong Kong. Ito aniya ay kapangyarihan at responsibilidad na ibinigay ng konstitusyon sa NPC, at di ito labag sa konstitusyon at batas.
Salin: Vera
Pulido: Mac