Wang Yi: Kooperasyong Sino-Ruso, dapat buong tatag na sumulong

2021-03-07 16:26:16  CMG
Share with:

Sinabi ngayong linggo, Marso 7, 2021 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa kabila ng kaligaligan ng daigdig, dapat buong tatag na sumulong ang kooperasyong Sino-Ruso.
 

Winika ito ni Wang sa news briefing ng ika-4 na sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.

Wang Yi: Kooperasyong Sino-Ruso, dapat buong tatag na sumulong_fororder_20210307SinoRuso

Aniya, sa mula’t mula pa’y ang pagkakaisa ng Tsina at Rusya ay pangunahing puwersa ng kapayapaan at katatagan ng daigdig. Palalaganapin aniya ng kapuwa panig ang diwa ng pagkakaibigan sa hene-henerasyon, kooperasyon at win-win results, at pasusulungin ang komprehensibo, estratehiko’t kooperatibong partnership ng dalawang bansa sa bagong panahon, sa mas malawak na larangan at mas malalimang antas.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method