Lubos na pinahahalagahan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang usapin ng kababaihan.
Sa magkakaibang okasyon, maraming beses niyang ipinagdiinan ang mahalagang katuturan ng pagpapaunlad ng usapin ng kababaihan, bagay na nagbigay ng patnubay sa mga gawain tungo sa mga kababaihan.
Ngayong araw, Marso 8 ay International Women’s Day: halina’t sariwain natin ang mahahalagang kasabihan ni Pangulong Xi ukol sa usapin ng kababaihan:
Kung walang liberalisasyon at progreso ng kababaihan, walang liberalisasyon at progreso ng sangkatauhan.
Ang kababaihan ay di-maihihiwalay na puwersa ng kaunlaran.
Dapat makinabang sa kaunlaran ang lahat ng mga mamamayang kinabibilangan ng kababaihan.
Ang sistema ng pangangalaga sa karapatan at kapakanan ng kababaihan ay dapat ilakip sa batas at regulasyon, gawing mithiin ng bansa, at ituring na norma ng mga kilos na panlipunan.
Dapat magpunyagi tayo upang mapawi ang lahat ng mga porma ng karahasang nakatuon sa kababaihan, na kinabibilangan ng domestikong karahasan.
Mas aktibong ipapatupad ng Tsina ang mga pundamental na patakarang pang-estado na gaya ng pagkakapantay ng kasarian, patitingkarin ang papel ng kababaihan bilang “kalahati ng langit,” at kakatigan ang pagsasakatuparan ng sariling tagumpay at pangarap ng mga kababaihan.
Iginigiit ng pundamental na patakaran ng bansa ang pagkakapantay ng kasarian, at iginagarantiya ang lehitimong karapatan at kapakanan ng mga babae at bata.
Dapat pag-ukulan ng mas maraming pokus ang mga pinakakaraniwang babae, lalung lalo na, ang mahihirap na babae.
Dapat buong tatag na bigyang-dagok ang mga krimeng malubhang lumalapastangan sa karapatan at kapakanan ng kababaihan alinsunod sa batas, at punahin ang mga maling pananalita.
Dapat tulungan ang mga babae na maayos na hawakan ang relasyon ng pamilya at trabaho, para sila ay magsilbi bilang kababaihan ng makabagong panahon na responsable sa lipunan at nagsisilbing ilaw ng bawat tahanan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
[Video] First Lady ng Tsina, nanawagang isulong ang edukasyon ng mga kababaihan
CMG Komentaryo: Aksyon ng Tsina para sa pandaigdig na pagkakapantay ng kasarian, walang humpay
Kababaihan, nararapat tulungan para ma-i-ahon sa epekto ng pandemiya - Xi
Proteksyon sa kababaihan, dapat matiyak sa pambansang lebel – Xi