8 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, lahat ay galing sa ibang bansa

2021-03-09 15:46:56  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas ngayong Marso 9, 2021, ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 8 ang bilang ng naitalang bagong kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland, at ang lahat ng mga ito ay galing sa ibang bansa. Walang naiulat na pumanaw, at wala ring bagong pinaghihinalang kaso.

 

Samantala, hanggang 24:00 ng Marso 8, 180 ang bilang ng mga umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 4,636 ang bilang ng mga pumanaw.

8 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, lahat ay galing sa ibang bansa_fororder_covidchina

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method