Chinese mainland, sero domestikong kaso ng COVID-19

2021-03-08 10:32:01  CMG
Share with:

Walang bagong na-iulat na domestikong kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Linggo, Marso 7, 2021.

 

Ito ang ipinahayag, ngayong araw, Marso 8, 2021 ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina.

 

Maliban dito, wala ring nai-ulat na pinaghihinalaang kaso at kamatayang may kaugnayan sa COVID-19 nitong Linggo, dagdag pa ng nasabing komisyon.

 

Samantala, 19 ang naitalang bagong imported na kumpirmadong kaso.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method