Turkey, mahigit 10.12 milyong dosis na bakuna kontra sa COVID-19 ang ibinakuna

2021-03-09 15:48:41  CMG
Share with:

Ipinatalastas Marso 8, 2021, ng Ministri ng Kalusugan ng Turkey, na mahigit 10.12 milyong dosis ng bakuna kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang naiturok na sa buong bansa. Mahigit 7.63 milyong mamamayan ang naturukan ng unang dosis, at mahigit 2.49 milyong ng populasyon ang makatanggap na ng ikalawang iniksyon.

Turkey, mahigit 10.12 milyong dosis na bakuna kontra sa COVID-19 ang ibinakuna_fororder_bakunaturkey02

Samantala, ipinagpapatuloy ang pagbabakuna sa Turkey ayon sa itinakdang plano.

 

Inaprobahan Enero 13, 2021, ng Turkish Medicines and Medical Devices Agency (TMMDA) ang pangkagipitang paggamit ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sinovac ng Tsina.

 

Ang bakuna ng Sinovac ay tanging bakuna na inaprobahan ng Turkey ng pangkagipitang paggamit. Hanggang ngayon, nilagdaan na ng Turkey at Sinovac ang kontrata ng pagbili ng dalawang batch ng bakuna kontra sa COVID-19.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method