Pangkalahatang kalihim ng UN, nagpa-abot ng pagbati kaugnay ng paghulagpos ng Tsina sa ganap na karalitaan

2021-03-10 16:27:29  CMG
Share with:

Sa kanyang liham na ipinadala kamakailan kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ipinaabot ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), ang pagbati sa tagumpay ng Tsina sa paghulagpos mula sa ganap na karalitaan.

 

Ani Guterres, ang tagumpay na ito ay mahalagang ambag ng Tsina para sa pagsasakatuparan ng mas maganda at mas masaganang daigdig na inilalarawan sa 2030 Agenda for Sustainable Development.

 

Ang kahanga-hangang bungang natamo ng Tsina ay nagdudulot ng pag-asa para sa komunidad ng daigdig, aniya pa.

 

Sinabi rin niyang lubos na ipinakikita ng bungang ito, na ang pangakong pulutikal ng pamahalaan at katatagan ng patakaran ay napakahalaga para sa pagbabago ng kalagayan ng mahihirap na populasyon; at ang innovation-oriented, berde, at bukas na modelo ng pag-unlad ay tiyak na magdudulot ng benepisyo para sa sangkatauhan.

 

Nananalig si Guterres na tiyak na matatamo ng Tsina ang mas malaking bunga sa hinaharap.

Pangkalahatang kalihim ng UN, nagpa-abot ng pagbati kaugnay ng paghulagpos ng Tsina sa ganap na karalitaan_fororder_guterreskaralitaan

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method