Idineklara nitong Huwebes, Pebrero 25, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang lubos na tagumpay sa kampanya ng Tsina sa pagpawi sa karalitaan. Ito ay lumikha ng himalang pangkasaysayan sa pagbabawas ng kahirapan.
Sa kanyang talumpati sa aktibidad bilang paglalagom at pagbibigay-gantimpala sa gawain ng pagpawi sa karalitaan nang araw ring iyon, sinariwa ni Xi ang kahanga-hangang karanasan ng bansa sa pag-ahon mula sa kahirapan, at inilahad ang lihim ng himalang Tsino sa aspektong ito.
Kabilang dito, ang paggigiit sa pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), paggigiit sa kaisipang pangkaunlaran na sentro ang mga mamamayan, paggigiit sa pagpapatingkad ng bentahe ng sosyalistang sistema at iba pa ay nakatawag ng pansin ng mga tagalabas.
Sa hene-henerasyon, ginawang panghabang-buhay na usapin ng CPC ang pagdaig sa karalitaan, itinatag ang kompletong mekanismo ng gawain, at binuo ang sistema ng pagbibigay-tulong sa mahihirap na nilalahukan ng buong lipunan, bagay na nagkaloob ng garantiyang pansistema para sa pagsasakatuparan ng target ng pagpuksa sa karalitaan.
Bilang pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig, ang tagumpay ng Tsina sa pagpawi sa karalitaan ay nagpapakita rin ng kapansin-pansing progreso sa pangangalaga sa karapatang pantao, at mabisang nakakapagpasulong din sa proseso ng pag-ahon ng buong mundo mula sa kahirapan.
Ayon sa datos, lampas sa 70% ang contribution rate ng Tsina para sa usapin ng pagbabawas sa kahirapan ng daigdig, at 10 taong mas maaga nitong naisakatuparan ang target ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations (UN), sa aspekto ng pagbabawas sa kahirapan.
Salin: Vera