Inilabas, Lunes Marso 8, 2021, sa opisyal na website ng Office of Communications (Ofcom) ng Britanya ang kapasiyahan hinggil sa sangsyon at pinal na hatol tungkol sa paratang sa nilalaman ng China Global Television Network (CGTN), himpilan sa wikang Ingles ng Tsina.
Bilang tugon, ipinahayag ng CGTN ang kalungkutan at matinding pagtutol tungkol dito.
Anang CGTN, naging pantay, totoo, at makatuwiran ang pagbabalita nito sa marahas na kilos-protestang naganap sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) noong 2019.
Pinatawan ng sangsyon ang CGTN dahil sa obdiyektibo nitong pagbabalita hinggil sa karahasan sa Hong Kong, at ito ay di-makatuwiran, anito.
Sinabi pa ng CGTN na bilang isang global news channel, tinutupad nito ang kaukulang regulasyong lokal, at hinihingi nito ang pantay na pakikitungo mula lokal na organong tagapagsuperbisa at tagapamahala.
Salin: Lito
Pulido: Rhio
CGTN Cartoon: Ideyang "America First," sanhi ng pagkawasak ng pangunguna sa daigdig ng Amerika
Mga bantog na personaheng pandaigdig, tutol sa ban ng British authority sa CGTN
CGTN, tutol sa pagkanselang Ofcom ng lisensiya para sa pagsasahimpapawid nito
Dokumentaryo ng Paglaban ng Xinjiang ng Tsina sa Terorismo, ipinalabas ng CGTN