Sa pamamagitan ng video conference, ginanap nitong Miyerkules, Marso 10, 2021 ang ika-137 sesyong plenaryo ng International Olympic Committee (IOC).
Bilang tanging kandidato, matagumpay na nahalal muli si Thomas Bach bilang tagapangulo ng IOC, at sa kanyang talumpati, inihayag ni Bach na sa kabila ng iba’t ibang hamong dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), may kompiyansa siya sa gawaing preparatoryo ng Lupong Tagapag-organisa ng Beijing Olympic Winter Games, para salubungin ang mga pinakamagaling na atleta ng palakasan sa taglamig.
Upang mas mainam na maharap ang mga hamon sa post pandemic era, iminungkahi niyang idagdag ang salitang “Together” sa Olympic Motto na “Faster, Higher, Stronger.”
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Presidente ng IOC, nagpadala ng bating pam-Bagong Taong Tsino kay Xi Jinping at mga mamamayang Tsino
Presidente ng IOC, pinasalamatan ang CMG sa pagsuporta sa usapin ng Olimpiyada
IOC President: Tsina, handang-handa na para salubungin ang mga pinakamagaling na atleta ng daigdig
Tagapangulo ng IOC, inanyayahan ang iba’t ibang bansa na lumahok sa Beijing Winter Olympic Games
Presidente ng IOC, nananalig sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing Winter Games 2022