Mga umuunlad na bansa: pakiki-alam ng mga bansang kanluranin sa usapin ng karapatang pantao, labag sa batas

2021-03-11 17:07:58  CMG
Share with:

Sa isang magkasanib na talumpati sa idinaraos na Ika-46 na Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), kinondena ng maraming umuunlad na bansa ang ilang bansang kanluranin dahil sa pakikia-alam sa usapin ng karapatang pantao ng ibang bansa.

 

Hinimok nila ang mga bansang kanluranin na agarang itigil ang hakbanging ito.

 

Ang naturang talumpati ay magkakasamang binigkas ng Tsina, Pilipinas, Rusya, Syria, Iran, Cuba, Beralus, Venezuela, Bolivia, Sri Lanka, Laos, Kambodya, Zimbabwe, Hilagang Korea at iba pa.

Mga umuunlad na bansa: pakiki-alam ng mga bansang kanluranin sa usapin ng karapatang pantao, labag sa batas_fororder_renquan

Tinukoy sa magkasanib na talumpati, na ang pakiki-alam sa usapin ng karapatang pantao ng ibang bansa ay labag sa pandaigdigang batas, at paglapastangan sa soberanya at mga suliraning panloob ng ibang bansa.

 

Kung ipagpapatuloy ng ilang bansang kanluran ang hakbanging ito, grabeng mahahadlangan ang mabisang paglaban ng mga umuunlad na bansa sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at makaka-apekto sa lehitimong karapatan ng kanilang mga mamamayan sa pagkakamit ng mga gamot’t bakuna kontra COVID-19, at iba pa, diin ng talumpati.

 

Samantala, ipinahayag din ng Cuba na ang mahabang panahong pagbabawal ng Amerika sa paghahatid ng mga produkto sa bansa Cuba ay isang uri ng genocide.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method