Mga mamamayang lokal ng Xinjiang
“Malaking kasinungalingan ang di-umano'y panlilipol-lahi sa Xinjiang at siyento-por-siyento itong kabulastugan. ”
Ito ang inilahad ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, bilang tugon sa pananalita at panlalait sa Xinjiang ng ilang pulitiko at Kanluraning media, sa preskon nitong Linggo, Marso 7, 2021, sa sidelines ng idinaraos na taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan, punong lehislatura ng bansa.
Sinipi rin ni Wang ang librong pinamatagang The End of Uyghur Fake News ni Maxime Vivas, kilalang manunulat na Pranses, na dalawang beses nakabisita sa Xinjiang noong 2016 at 2018.
Sa kanyang libro, sinabi ni Vivas, na ang mga taong hindi pa nakapunta sa Xinjiang ang humahabi ng mga pekeng balita at ang mga nilutong kasinungalian ay nauwi sa higit pang paglulubid-bungahin.
Kasabay nito, inilantad din ng mga survey ng thegrayzone.com, indipendyenteng website ng pagbabalita ng Amerika, ang mga kasinungalian hinggil sa Xinjiang na imbento ng mga puwersa kontra Tsina, sa pamamagitan ng katotohanan at datos.
Sa mga sinungaling, ang pinaka-nakakahibang ay ang di-umano'y panlilipol-lahi o genocide.
Pero sa katotohanan, nag-doble pataas ang bilang ng populasyon ng lahing Uyghur sa Xinjiang nitong apat na dekadang nakalipas.
Mula taong 2010 hanggang 2018, tumaas ng 25% ang bilang ng mga Uyghur sa Xinjiang, na 12 beses mas malaki kumpara sa paglaki ng populasyon ng Han, lahing mayorya ng Tsina.
Ani Wang, ang salitang "genocide" ay nagpapaalala sa mga tao ng katutubong Amerikano noong ika-16 na siglo, mga aliping Aprikano noong ika-19 na siglo, mga Hudyo noong ika-20 siglo, at mga katutobong Australyano na nakikibaka pa rin.
Kung ano ang tunay na kalagayan ng karapatang pantao sa Xinjiang ay kitang-kita sa pamumuhay ng mga mamamayang lokal.
Gawing halimbawa ang kita: noong 2019, ang karaniwang taunang per capita disposable income ng mga mamamayang urban sa Xinjiang ay pumalo sa 34,700 yuan RMB (mga 5332 dolyares) mula sa 23,200 yuan RMB (mga 3566 na dolyares) noong taong 2014, na may taunang paglaki ng 8.6%.
Samantala, ang karaniwang taunang per capita disposable income ng mga mamamayang rural ng rehiyon ay tumaas mula sa 8,724 yuan (mga 1342 dolyares) hanggang sa 13,100 yuan (mga 2013 dolyares).
Sa idinaraos na Ika-46 na Sesyon ng United Nations Human Rights Council, maraming bansa ang nagsipahayag ng kanilang suporta sa Tsina sa isyu ng Xinjiang.
Sa iba't ibang okasyon, inulit ng panig Tsino na laging bukas ang pinto ng Xinjiang, at mainit nitong tatanggapin at tinatanggap ang mga panauhing dayuhan na gustong dumalaw at dumadalaw sa Xinjiang.
Tanawin ng Xinjiang
May kasabihan sa wikang Ingles, "seeing is believing."
Sa bandang huli, matitigil ang lahat ng mga bali-balita hinggil sa Xinjiang.
Salin: Jade
Pulido: Rhio