Mahigit 100 bansa, ipinanawagan ang pagpapauna ng interes ng mga tao bilang tugon sa COVID-19

2021-03-10 09:32:18  CMG
Share with:

Mahigit 100 bansa, ipinanawagan ang pagpapauna ng interes ng mga tao bilang tugon sa COVID-19_fororder_VCG21gic20010846

 

Sa ngalan ng mahigit 100 bansa, ipinahayag sa idinaraos na Ika-46 na Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN) sa Geneva, ang panawagan upang isagawa ang people-centered approach para mabisang matugunan ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

 

Anang pahayag, ang pagpapasulong ng pandaigdigang pagtutulungan, multilateralismo, at pagkakaisa ay ang siyang tanging paraan para mapanaigan ang salot ng COVID-19.  

 

Nakasaad sa pahayag ang tatlong sumusunod na mungkahi:

 

Una, upang maging accessible at affordable ang mga bakuna, lalo na para sa mga umuunlad na bansa at totohanang pangalagaan ang karapatan ng pamumuhay at karapatang pangkalusugan, kailangang palalimin ang pandaigdig na pagtutulungan, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyon at magkakasamang pagpigil at pagkontrol, lalo na sa larangan ng pananaliksik at pagdedebelop, pagpoprodyus at pamimibigay ng bakuna.

 

Ikalawa, pasulungin ang sustenableng pag-unlad, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng pagsisikap para malipol ang karalitaan sa anumang porma. Nang sa ganoon, matitiyak ang karapatan sa pagkain, karapatan sa edukasyon, karapatan sa pabahay, at karapatan sa mainam na trabaho, at iba pa, at magkakasamang pakinabangan ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa ang bungang pangkaunlaran.

 

Ikatlo, palakasin ang social security system at tulungan ang mga vulnerable at marginalized group para malampasan ang mga negatibong epektong dulot ng COVID-19. Kasabay nito, kailangan ding pag-ibayuhin ang pagbibigay-dagok sa nasyonalismo, diskriminasyong panlahi, xenophobia, at dahas para itatag ang patas at inklusibong lipunan.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio 

Please select the login method