Negatibong listahan ng dayuhang pamumuhunan, patuloy na babawasan ng Tsina — Li Keqiang

2021-03-11 19:30:14  CMG
Share with:

Negatibong listahan ng dayuhang pamumuhunan, patuloy na babawasan ng Tsina — Li Keqiang_fororder_20210311listLi550

Ipininid Huwebes ng gabi, Marso 11, 2021 ang Ika-4 na Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC).

 

Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga mamamahayag na Tsino at dayuhan pagkatapos ng sesyon, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na ibayo pang palalawakin ang pagbubukas sa labas, patuloy na babawasan ang negatibong listahan ng dayuhang pamumuhunan, at patuloy na isusulong ang pagbubukas sa labas ng mga industriyang kinabibilangan ng serbisyo.

 

Ipinahayag ni Premyer Li na ang walang humpay na pagpapalawak ng pagbubukas ng Tsina sa labas, ay hindi lamang pangangailangan para sa sariling kapakanan, kundi makakabuti rin sa buong daigdig.

 

Sinabi niya na noong isang taon, nagkasundo ang 10 bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Tsina, Hapon, Timog Korea, Australia, at New Zealand na ipatupad ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

 

Ito aniya ay patunay, na kung magkakaroon ng paggagalangan at pakikitungo sa isa’t-isa,  maaaring magkaroon ng komong palagay at mahanap ang komong kapakanan upang makapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa.

 

Ani Li, ang Tsina ay mahalagang bahagi ng global industrial at supply chains, at pangangalagaan ng Tsina ang multilateral na sistemang pangkalakalan na siyang pundasyon ng mga tadhana ng World Trade Organization (WTO).


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method