Ipinahayag Marso 10, 2021, ni Zhao Lijian, Tagpagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na magsisikap ang Tsina, kasama ng Amerika, para mag-pokus sa kooperasyon, at kontrolin ang pagkakaiba, upang makalikha ng mainam na atmospera para sa malusog na pag-unlad ng kooperasyong pangkabhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.
Ayon sa 2021 China Business Climate Survey Report na ipinalabas Marso 9, 2021, ng American Chamber of Commerce in China (AmCham China), optimistiko ang mga kompanyang dayuhan sa kinabukasan ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Ipinalalagay ng 75% ng mga respondent na mabuti ang pamilihang Tsino sa darating na dalawang taon, at ipinalalagay naman ng 81% na maisasakatuparan sa 2021 ang positibong paglaki ng pamilihang Tsino sa ibat-ibang larangan.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Zhao, na patuloy na palalalimin ng Tsina ang reporma at palalawakin ang pagbubukas sa labas; itatatag ang marketisasyon, isusulong ang lehislasyon at ipapatupad ang internasyonalisasyon ng kapaligiran pangnegosyo, para ipagkaloob ang ginhawa sa mga kompanyang dayuhan ng iba’t ibang bansa na kinabibilangan ng Amerika.
Ito rin aniya ay suporta sa kooperasyon ng mga kompanya sa loob at labas ng Tsina.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio