Ipininid Huwebes ng gabi, Marso 11, 2021 ang Ika-4 na Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC).
Sa kanyang pakikipagtagpo sa mga mamamahayag na Tsino at dayuhan pagkatapos ng sesyon, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na may malawak na komong kapakanan ang Tsina at Amerika, at puwedeng magsagawa ng kooperasyon ang dalawang bansa sa maraming larangan.
Sinabi ni Li na dapat ilagay ng Tsina at Amerika ang mas maraming enerhiya sa kanilang common ground, at palawakin ang komong kapakanan.
Ipinahayag pa niya ang pag-asa ng panig Tsino na ayon sa diwa ng pag-uusap sa telepono nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Joseph Biden ng Amerika, mapapasulong ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Ito aniya ay hindi lamang angkop sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi inaasahan din ng komunidad ng daigdig.
Salin: Lito
Pulido: Rhio
Embahador na Amerikano sa Tsina, hinahangaan ang natamong bunga ng pag-unlad ng Tsina
"Ulat ng Amerika sa Pag-unlad-militar at Seguridad ng Tsina," mariing tinututulan ng Tsina
CMG Komentaryo: Umano'y "pagkalas sa Tsina," lason ng mga politikong Amerikano sa kanilang bansa
Palagiang priyoridad ng CPC ang buhay ng mga mamamayan — Tsina