Bakuna ng COVID-19, dapat maging pampublikong produktong pangkalusugan ng daigdig - Pangkalahatang Kahilim ng UN

2021-03-12 15:36:46  CMG
Share with:

Sa aktibidad na pinamagatang “Only Together” na sinimulan Marso 11, 2021, nanawagan ang United Nations (UN) na, sa pamamagitan ng COVID-19 Vaccines Global Access Facility (COVAX) na pinamumuno ng UN, dapat magkaroon ng bakuna ng COVID-19 ang lahat ng mga taong nangangailangan nito sa buong mundo.

 

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na sa kasalukuyan, ginamit ng maliit na bilang ng mga mayamang bansa ang karamihan ng mga bakuna.

Bakuna ng COVID-19, dapat maging pampublikong produktong pangkalusugan ng daigdig - Pangkalahatang Kahilim ng UN_fororder_guteleisi_conew1

Ani Guterres, ang COVAX ay pinakamabuting kalutasan upang gawin ang bakuna kontra COVID-19 bilang pampublikong produktong pangkalusugan ng daigdig. Dahil dito, nanawagan si Guterres na isasakatuparan ang COVAX, para mapangalagaan ang mga tauhang medikal, at ibang mahinang populasyon sa daigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method