“Vaccine nationalism,” tinututulan ng panig Tsino

2021-03-07 17:31:50  CMG
Share with:

Tinukoy ngayong araw, Marso 7, 2021 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na tinututulan ng kanyang bansa ang “vaccine nationalism,” hinding hindi tatanggapin ang "vaccine divide," at ibo-boycott ang anumang tangkang isapulitika ang kooperasyon sa bakuna.

 

Isinalaysay ni Wang na ipinagkakaloob ng Tsina ang libreng bakuna kontra COVID-19 sa 69 na umuunlad na bansang may pangkagipitang pangangailangan, samantalang iniluluwas ang mga bakuna sa 43 bansa. Bukod dito, bilang tugon sa panawagan ng United Nations (UN), ibinigay rin ang donasyon ng bakuna sa mga tauhang pamayapa ng iba’t ibang bansa.
 

Nakahanda ang Tsina na makipagtulungan sa International Olympic Committee (IOC), upang ipagkaloob ang mga bakuna sa mga atletang kasali sa Olimpiyada, dagdag niya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method