Noong isang taon, tinamnan ng Tsina ang 6.77 hektaryang kagubatan, inalagaan ang 8.37 milyong hektaryang kagubatan, tinamnan at pinaganda ang 2.83 milyong hektaryang damuhan, at natupad ang pagpigil at pagsupil sa desertipikasyon ng mahigit 2.09 milyong hektaryang lupa.
Ang nasabing mga datos ay makikita sa Komunike hinggil sa Kalagayan ng Pagsasaluntian ng Lupa ng Tsina sa taong 2020 na inilabas kamakailan ng Tanggapan ng Pambansang Komisyon ng Pagsasaluntian ng Tsina.
Ayon pa rin sa komunike, kapansin-pansin ang natamong bunga ng pag-unlad ng berdeng industriyang nagpayaman ng mga mamamayan at nagbibigay-tulong sa kahirapan sa aspekto ng ekolohiya. Umabot sa 7.55 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng industriya ng panggugubat ng buong bansa, at 160 bilyong dolyares naman ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto ng panggugubat.
Tinukoy ng komunike na aktibo’t kusang loob na sumasali ang bansa sa pandaigdigang pangangasiwang ekolohikal, at pinapasulong ang kooperasyong panrehiyon sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Gitna at Silangang Europa, Hilagang-silangang Asya, Shanghai Cooperation Organization at iba pa, sa aspekto ng kagubatan at damuhan.
Salin: Vera
Pulido: Mac