Sa pamamagitan ng video link, dumalo at nagtalumpati ngayong araw, Linggo, ika-22 ng Nobyembre 2020, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa Leaders' Side Event on Safeguarding the Planet ng G20 Riyadh Summit.
Tinukoy ni Xi, na kailangang igiit ang ideya ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, at magkakasamang harapin ang mga hamon sa aspekto ng klima at kapaligiran, para pangalagaan ang mundo.
Para rito, iniharap niya ang tatlong mungkahi na gaya ng pagpapalakas ng mga hakbang sa pagharap sa pagbabago ng klima, pagsusulong ng transisyon tungo sa malinis na enerhiya, at pangangalaga sa sistemang ekolohikal sa pamamagitan ng paggalang sa kalikasan.
Salin: Liu Kai