Tsina, nalabas ng dalawang dokumento para ibunyagi ang mga masamang kilos ng Amerika sa larangan ng kalikasan

2020-10-20 16:22:13  CMG
Share with:

Isinapubliko nitong Lunes, Oktubre 19, 2020 sa website ng Ministring Panlabas ng Tsina ang dalawang dokumento na pinamagatang “Fact Sheet on Environmental Damage by the US” at “Report on US Damage to Global Environmental Governance.”
 

Ayon kay Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, layon ng pagpapalabas ng mga dokumentong ito na ibunyag ang masasamang kilos ng Amerika sa larangan ng kapaligiran, sa pamamagitan ng katotohanan.
 

Isinalaysay ni Zhao na kamakailan naglabas ng naninirang pahayag ang ilang pulitiko at opisyal na Amerikano hinggil sa Tsina sa usaping may kinalaman sa kalikasan. Pero sa katunayan, hindi lamang iniurong ng panig Amerika ang mga patakaran sa pangangalaga sa kapaligirang panloob, kundi grabeng nakapinsala rin sa katarungan, episyensiya at bisa ng pandaigdigang pangangasiwa sa kalikasan.
 

Salin: Vera

Please select the login method