Ipinahayag Marso 11, 2021, ni Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Commitee (IOC), na ipagkakaloob ng Chinese Olympic Committee ang bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) para sa mga atleta na lalahok sa Tokyo Olympic at Paralympic Games, at Beijing Winter Olympic at Paralympic Games.
Ani Bach, babayaran ng IOC ang mga bakuna. Pinasalamatan din niya ang Chinese Olympic Commitee.
Ipinahayag ni Bach na ipagkakaloob ang mga bakuna sa mga nangangailangang tao sa dalawang paraan: sa pamamagitan ng kooperasyong pandaigdig, at sa pamamagitan ng direktang paghahatid nito sa mga bansa at rehiyon na lumagda ng kasunduan sa Tsina kaugnay ng kooperasyon ng bakuna.
Buong tatag na susuportahan ng IOC ang makatuwirang pagbabahagi ng bakuna sa pagitan ng iba’t ibang bansa at rehiyong ng buong daigdig, ayon kay Bach. Nilagdaan na ng IOC ang “Vaccine Equity Declaration”na ipinalabas ng World Health Organization (WHO), saad niya.
Salin:Sarah
Pulido:Mac