Ipinahayag Marso 15, 2021 ni Harry Roque, Tagapagsalita ng Pangulo ng Pilipinas, na positibo siya sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Nauna rito, tumanggap ng swab test noong Marso 14, 2021, si Roque bilang paghahanda para sa pakikipagtagpo kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Roque ang siyang ikalimang miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa ulat, tumaas ulit ang impeksyon ng COVID-19 sa Pilipinas noong Pebrero.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 621,498 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong bansa, samantalang 12,829 naman ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio