Sinimulan nitong Lunes, Marso 1, 2021, ng Pilipinas ang malawakang pagbabakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), sa pamamagitan ng 600,000 dosis na bakunang handog ng pamahalaan at panig militar ng Tsina at gawa ng Sinovac.
Pinangunahan ni Dr. Gerardo Legaspi, Director ng Philippine General Hospital ang inokulasyon ng bakunang ito. Kasunod nito, binakunahan din sina Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, Kalihim Carlito Galvez at Deputy Chief Implementer Vince Dizon ng National Task Force Against COVID-19, Lt. Col. Cleto Manongas, chief ng Philippine National Police General Hospital, ilang miyembro ng Department of Health technical advisory group at government pandemic advisory group, at mga tauhang medikal mula sa iba't ibang ospital.
Nauna rito, sa seremonya ng paghahandog ng mga bakuna, sinabi ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, na "Ipinangako ni Pangulong Xi Jinping na Tsina na gawin ang anumang bakunang idedebelop ng Tsina bilang global public good." Aniya, "Sa kabila ng tumataas na pangangailangan ng Tsina ng bakuna, nagdesisyon itong ibigay ang mga bakuna sa Pilipinas." At umaasa siyang "Sa pamamagitan nito ay masisimulan ng Pilipinas ang malawakang pagbabakuna upang tugunan ang pandemiya at maging daan upang manumbalik sa normal ang pamumuhay ng mga Pilipino sa lalong madaling panahon."
Ang naturang mga bakuna ay kauna-unahang pangkat ng bakuna kontra COVID-19 na natanggap ng panig Pilipino.
Kaugnay nito, sinabi nina Francisco Duque III, Kalihim ng Kalusugan at Carlito Galvez Jr., Chief Implementer ng National Task Force Against COVID-19, na ang pagkontrol sa pandemiya at pagpapanumbalik ng kabuhayan ay karera hindi lamang laban sa virus, kundi laban din sa oras. Kaya anila, ang pinakamaagang dumating na mga bakunang Tsino ay mga pinakamahusay na bakuna.
Ang pagkakaloob ng Tsina ng libreng bakuna sa Pilipinas ay batay sa pagkakaibigan at pagkakaisa ng mga pamahalaan at mga mamamayan ng dalawang bansa, at nagpapakita rin ng buong tapat na kahandaan ng Tsina na magbigay-tulong sa Pilipinas sa paglaban sa COVID-19.
Samantala, ang mabilis at aktibong pagsasagawa ng Pilipinas ng pagbabakuna ay hindi lamang pagbibigay ng boto ng kompiyansa sa bakunang Tsino, kundi pinakamabuti ring reaksyon sa donasyon ng Tsina.
May-akda: Liu Kai
Photo credit: PCOO