Miyembro ng parliamento ng Alemanya, tumanggap ng suhol mula sa Taiwan

2021-03-15 11:08:35  CMG
Share with:

Ayon sa ulat na sinipi Marso 14, 2021, ng Chinatimes, media ng Taiwan, mula sa Politico, media ng Amerika, 24,000 Euro ang ibinigay ng pamahalaan ng Taiwan kay Mark Hauptmann, miyembro ng parliamento ng Alemanya, bilang bayad sa anunsyo o advertisement sa kanyang pahayagang Thuringia.

Miyembro ng parliamento ng Alemanya, tumanggap ng suhol mula sa Taiwan_fororder_huptman

Ayon pa sa ulat, nagbayad din ng anunsyo ang Azerbaijan at Biyetnam sa pahayagan ni Hauptmann, ngunit ang Taiwan ang may pinakamaraming ibinayad.  

 

Sa kasalukuyan, sumasailalim sa imbestigasyon si Hauptmann dahil sa pagtanggap ng suhol.

 

Kaugnay nito, sa pamamagitan ng Facebook, ipinahayag Marso 14, 2021, ni Chen I-hsin, “mababatas” ng Taiwan, na dapat agarang ipaliwanag ang isyung ito ng kinauukulang departamento ng Taiwan, at ni Jhy-wey Shieh, “Kinatawan ng Taiwan sa Alemanya.”

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method