Nakatakdang dumalaw si Kelly Craft, Pirmihang Kinatawang Amerikano sa United Nations (UN), sa Taiwan sa Enero 13 hanggang 15, 2021.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang opisyal na pag-uugnayan ng Amerika at Taiwan sa anumang porma. Aniya, ang posisyong ito ay hindi nagbabago at malinaw.
Sinabi ni Hua na ang kilos ng panig Amerikano ay matinding lumalabag sa prinsipyong “Isang Tsina” at tatlong Magkasanib na Komunike ng dalawang bansa.
Hinihimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na itigil ang aksyon at pananalita nitong nakakasira sa relasyong Sino-Amerikano.
Salin: Lito
Pulido: Mac