Ligtas at epektibong bakuna, mabuting bakuna kahit saan mang bansa ito ginawa - Tsina

2021-03-16 16:03:38  CMG
Share with:

Ipinahayag Marso 15, 2021,ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang bakuna ay malakas na sandata kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Ito rin ay nagbibigay ng pag-asang maililigtas ang sangkatauhan. Kaya, dapat gamitin ito sa buong mundo at pakinabangan ng buong sangkatauhan.

Ligtas at epektibong bakuna, mabuting bakuna kahit saan mang bansa ito ginawa - Tsina_fororder_赵立坚疫苗

Ipinahayag kamakailan ni Lee Hsien Loong, Punong Ministro ng Singapore, na walang nasyonalidad ang bakuna.

 

Ani Lee, sa Tsina, mayroong mahuhusay na siyentista at mananaliksik ng bakuna, at tiwala siyang mayroong silang kakayahang gumawa ng mabuting bakuna.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Zhao na ang ligtas at epektibong bakuna ay mabuting bakuna, kahit saan mang bansa ito ginawa. Patuloy na makikipagtulungan ang Tsina, kasama ng iba’t ibang panig, para tutulan ang “vaccine nationalism” at “vaccine divide.” Patuloy na magsisikap ang Tsina, para pasulungin ang pantay-pantay na pagbabahagi ng bakuna sa buong mundo, para magtagumpay, kasama ng iba’t ibang bansa, sa paglaban sa COVID-19.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method