CMG Komentaryo: Pantay-pantay na pamamahagi ng bakuna ng COVID-19, nangangailangan ng pagsisikap ng lahat ng mga bansang may-kaya

2021-03-09 17:17:41  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Pantay-pantay na pamamahagi ng bakuna ng COVID-19, nangangailangan ng pagsisikap ng lahat ng mga bansang may-kaya_fororder_2393cd7c87c841318e5c6095c66f04b1

 

Sa preskon kamakailan, isinalaysay ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ipinagkaloob ng kanyang bansa sa 69 na umuunlad na bansa ang mga libreng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at iniluluwas din ang mga bakuna sa 43 bansa.

 

Ayon pa rin kay Wang, bilang tugon sa panawagan ng United Nations (UN), ibinigay rin ng Tsina ang donasyon ng bakuna sa mga tauhang pamayapa ng iba't ibang bansa. Nakahanda rin ang Tsina na makipagtulungan sa International Olympic Committee, upang ipagkaloob ang mga bakuna sa mga atletang kasali sa Olimpiyada, dagdag niya.

 

Nangunguna ang Tsina sa pagtuturing ng mga bakuna bilang global public good, pagpapasulong ng pandaigdigang kooperasyon sa bakuna, at pagbibigay-tulong sa pantay-pantay na pamamahagi ng mga bakuna.

 

Ipinakikita ng mga ito ang pagtutol ng Tsina sa vaccine nationalism, at pagpapatupad nito ng pangako kaugnay ng bakuna.

 

Kasabay nito, ang pagkakaloob ng Tsina ng mga bakuna sa ibang mga bansa ay hindi para sa umano'y vaccine diplomacy, at walang kalakip na anumang kondisyong pulitikal sa aspektong ito.

 

Ang pantay-pantay na pamamahagi ng mga bakuna kontra COVID-19 ay nangangailangan ng pagsisikap ng lahat ng mga bansang may-kaya. Kung ipagkakaloob ng lahat ng mga bansang ito ang mga bakuna sa mga bansang may pangangailangan, lalung-lalo na sa mga umuunlad at di-maunlad na bansa, saka lamang makokontrol ang pandemiya sa buong mundo.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method