Halos 65 milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19, ginamit sa Tsina

2021-03-16 11:08:55  CMG
Share with:

Sa news briefing nitong Lunes, Marso 15, 2021, isinalaysay ni Li Bin, Pangalawang Direktor ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, na sa kasalukuyan, halos 65 milyong dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang itinurok na sa mga mamamayan ng buong bansa.
 

Aniya, kasabay ng pagsulong ng komprehensibong pagbabakuna, patuloy na tumataas ang bilang ng mga binakunahan, at nananalig siyang mas malinaw na makikita ang bisa ng paggamit ng bakuna.

Halos 65 milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19, ginamit sa Tsina_fororder_20210316pagbabakuna

Kaugnay ng production capacity ng bakunang laban sa COVID-19, inilahad ni Tian Yulong, Punong Inhinyero ng Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina, na sinimulan na ngayon ang malawakang pagpoprodyus ng apat na uri ng bakunang umaangkop sa pangangailangang para makapasok sa pamilihan, at patuloy na pinapalawak pa rin ang production capacity.
 

Dagdag niya, kasabay ng paggarantiya sa domestikong pangangailangan sa pagbabakuna, patuloy na makikipagtulungan ang Tsina sa iba’t ibang bansa sa daigdig, para pagtagumpayan ang pandemiya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method