Ang 2021 ay Ika-100 Anibersaryo ng Communist Party of China (CPC).
Hinggil dito sinabi ng political analyst at China-watcher na si Herman Laurel na tama ang teorya at praktis ng socialism with Chinese characteristics batay sa matagumpay na 100 taong pamamahala ng CPC sa bansa at maging ang tagumpay ng lahat na pangarap ng Partido para sa bansang Tsina at kaunlaran ng buhay ng kanyang mga mamamayan.
Sa panayam ng China Media Group Filipino Service, ipinahayag ni Laurel, Founder ng Philippine-BRICS Strategic Studies think tank“Siyentipiko o maka-agham ang mga pagsusuri ng problema ng bayan at ng Partido, epektibo ang mga gawain at nareresolba nang matagumpay ang mga kontradiksyon.”
Paliwanag ni Laurel ang maka-agham na pagsusuri ng mga problema ng lipunan ay iyung batay sa mga aral na napupulot sa kasaysayan. Aniya pa,“Ang kontradiksyon na tinutikoy natin ay ang relasyon ng mga nagtutunggaling mga pwersa sa kalikasan at lipunan at ang sintetikong solusyon.”
Dagdag pa niya, Bagama't hindi naman itinutulak ng Partido Komunista ng Tsina ang mga aral sa ibang mga bansa, maraming matututuhan din ang mga bansa sa karanasan ng Partido Komunista ng Tsina at ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) – lalung-lalo na (ang) mga umuunlad na mga bansa.”
Pagpapalawig pa ni Laurel, ang katumpakan ng kaisipan at pamamaraan ng pagsusuri na ito ang nagbunga nitong mala-himalang tagumpay ng Tsina nitong nakaraang mahigit 70 taon sapul nang itatag ang PRC noong 1949.
Saad niya,“Iyan ang matututunan ng mga bagong umuusbong na mga bansa. Tulad ng Pilipinas na higit isang daang taon na umi-ikot-ikot sa pilosopiya at praktis ng 'Liberal democracy,' ay napag-iwanan na ng mga bansang dating mas maralita pa sa kanya. Maraming matututuhan sa Tsina sa matagumpay na pamamahala ng lipunan, ekonomiya, pakikipag-ugnayan sa mga bansa o diplomasya.”
Para malaman ang pananaw ni Laurel hinggil sa Dalawang Sesyon ng Tsina, pakipuntahan ang webpage na: Dalawang Sesyon ng Tsina, nakatutok sa kabutihan ng taong-bayan at sangkatauhan
Para malaman ang pananaw ni Laurel hinggil sa relasyong Pilipino-Sino at katuturan ng katatagan ng Hong Kong, pakipuntahan ang webpage na: Katatagan sa Hong Kong, magdudulot ng masayang hanapbuhay ng mga OFW
Ulat: Machelle Ramos
Edit: Jade/Mac
Larawan: Herman Laurel