Pag-unlad ng Tsina, pag-unlad din ng Pilipinas; Katatagan sa Hong Kong, magdudulot ng masayang hanapbuhay ng mga OFW: Herman Laurel

2021-03-09 11:00:07  CMG
Share with:

Herman Laurel: Dalawang Sesyon ng Tsina, nakatutok sa kabutihan ng taong-bayan at mabuting hangarin para sa sangkatauhan

 

Sa panayam ng China Media Group Filipino Service, ipinahayag ni Herman Laurel, Founder ng Philippine-BRICS Strategic Studies think tank, na ang pag-unlad ng Tsina ay magdudulot din ng pag-unlad sa Pilipinas.

 

Paliwanag ng Kolumnista at radio/TV program host, ang Pilipinas ay isang tinatawag ng“developing economy”na ang isa sa mga pangunahing hangarin ay kaunlaran sa ekonomiya, lalung-lalo na ngayon na nasalanta ito ng COVID-19.

 

Kaya, napakahalaga ani Laurel sa mga darating na panahon ng pangako ng Tsina na pagbubukas ng ekonomiya nito sa mga produkto galing sa ibang mga bansang tulad ng Pilipinas.

 

Ang Tsina ay nananatiling pinakamalaking trade partner ng Pilipinas.

 

Ang pagtulong ng gobyerno ng Tsina sa kanyang mga mamamayan na magkaroon ng lalong mas maunlad na kabuhayan ay maganda rin sa Pilipinas at lalong dadami rin ang konsumo ng mga produktong agrikultural ng Pilipinas, pagpapataas ng turismo sa Pilipinas makalipas ang krisis ng COVID-19 at pagpaparami ng mga Pilipinong guro na magtuturo ng Ingles sa mga Tsino sa Internet at mga pamantasang Tsino, dagdag pa ni Laurel.

 

Ibinahagi ni Laurel ang naturang mga pananaw bilang tugon sa  Government Work Report ni Premier Li Keqiang ng Tsina, na inilahad noong Marso 5, 2021 sa opening ng Two Sessions.

 

Dalawang Sesyon

 

Ang Liang Hui o Dalawang Sesyon na tatagal hanggang Marso 11, ay ang pinakamahalagang pagpupulong ng Tsina.

 

Ang Dalawang Sesyon ay ang katumbas ng State of the Nation Address (SONA) ng pangulo ng Pilipinas na dinadaluhan ng magkasanib na kapulungan ng mga Kongresista at Senador.

 

Kabilang sa Dalawang Sesyon ang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), pinakamataas na organong tagapayo ng Tsina at ang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), pinakamataas na organong panlehislatura ng bansa.

 

Katatagan sa Hong Kong, magdudulot ng masayang paghahanap-buhay ng mga OFW

 

Nagbigay din ng pananaw si Laurel tungkol sa usapin ng Hong Kong.

 

Sinabi niyang ang pagpapanumbalik ng istabilidad sa pamamagitan ng pagpapatibay ng“One country, Two Systems”ayon kay Premier Li ay malaking konsuelo sa daanlibong Pilipinong OFW sa Hong Kong na hangarin ay masayang paghahanap-buhay sa  Hong Kong  Special Administrative Region (HKSAR).

 

Katuturan  ng pagdaraos ng  "Dalawang Sesyon”ayon sa iskedyul

 

Noong 2020, sa kasagsagan ng pandemiya ng COVID-19, dalawang buwang ipinagpaliban ng Tsina ang Dalawang Sesyon.

 

Sa taong 2021, binuksan ang taunang sesyon ayon sa nakatakdang panahon.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Laurel, “Ang Dalawang Sesyon ay isang leksyon para sa mundo sa makatotohanan, maka-agham at makabuluhang pagpaplano ng pamamahala ng isang bansa para sa ikauunlad ng mga mamamayan, pagsasakatuparan ng mga plano sa pagpapaunland ng lipunan, mga patakaran sa pagpapalago ng ekonomiya at kabuhayan ng taong-bayan, maayos na pakikipag-ugnayan sa international community, pagsusulong ng teknolohiya at agham ng bansa, at marami pang ibang mga gawain para sa progreso ng bayan.”

 

Para sa karagdagang pananaw ni Laurel, pakitunghayan ang ulat na: Herman Laurel: Dalawang Sesyon ng Tsina, nakatutok sa kabutihan ng taong-bayan at sangkatauhan

 

Ulat: Machelle Ramos

Edit: Jade/Mac

Larawan: Herman Laurel

Espesyal na pasasalamat kay Frank Liu Kai

 

 

Please select the login method