Tsina sa ilang bansa: Agarang itigil ang paninira sa kapakanan ng Tsina gamit ang Xinjiang

2021-03-16 16:02:50  CMG
Share with:

Hiniling ng Tsina sa ilang bansa na agarang alisin ang ideological bias, itigil ang pagsira sa kapakanan ng Tsina at pakiki-alam ng mga suliraning panloob ng Tsina gamit ang isyung may kaugnayan sa Xinjiang.

 

Ipinahayag ito Marso 15, 2021, sa preskon,ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

Tsina sa ilang bansa: Agarang itigil ang paninira sa kapakanan ng Tsina gamit ang Xinjiang_fororder_xinjiang

Nagtalumpati Marso 12, 2021, sa Ika-46 Human Rights Council ng United Nations (UN), ang Cuba, sa ngalan ng 64 bansa, para suportahan ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Xinjiang, at hilingin sa kinauukulang panig na itigil ang pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina sa ngalan ng mga isyu sa Xinjiang.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Zhao na ang isyu ng Xinjiang ay hindi isyu ng karapatang pantao. Ang esensya nito ay labanan ang karahasan, terorismo, ekstrimismo at separatismo.

 

Ani Zhao, hindi nagaganap ang genocide, forced labour o panunupil ng relihiyon sa Xinjiang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method