CMG: Pagluto ng mga kasinungalingan at persekusyong pulitikal, napakasamang manipulasyon ng iilang personaheng kanluranin hinggil sa Xinjiang

2021-03-16 12:45:11  CMG
Share with:

Sapilitang nagbitiw kamakailan sa tungkulin si Propesor Christian Mestre, kilalang iskolar ng Pransya, dahil sa pagbisita sa Xinjiang noong nagdaang 2 taon, at pagbibigay ng papuri sa katotohanan ng mabisang hakbanging pamprebensyon ng Xinjiang laban sa terorismo. Kabaliktaran ito sa opinyong publiko ng mga bansang kanluranin na laging nagbabandera sa umano’y kalayaan sa pananalita.
 

Ang nangyari kay Propesor Mestre ay isa lamang sa nakararaming halimbawa. Upang maisakatuparan ang tangkang pagsikil sa Tsina sa pamamagitan ng isyu ng Xinjiang, hindi lamang niluluto at pinapalaganap ng mga pulitiko’t medyang kanluranin ang isang serye ng mga kasinungalingan hinggil sa Xinjiang, kundi tikis na binibigyang-dagok at ginagantihan rin nila ang mga personahe at media na pumapanig sa katotohanan at katarungan, at lantarang ipinapataw ang persekusyong pulitikal.

CMG: Pagluto ng mga kasinungalingan at persekusyong pulitikal, napakasamang manipulasyon ng iilang personaheng kanluranin hinggil sa Xinjiang_fororder_Xinjiang2

Sa kabila ng buong lakas na pagdungis ng iilang taong kanluranin sa Xinjiang, parami nang paraming iskolar at personahe ng media sa daigdig ang naggigiit sa paglalahad ng katotohanan. Sa ika-46 na Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), nagtalumpati ang mga kinatawan ng maraming bansa bilang pagsuporta sa mga patakaran ng Tsina sa pangangasiwa sa Xinjiang.
 

Kahit sinasadyang binabahiran ng kanluraning opinyong publiko ang Xinjiang, at ikinukubli ang mga katotohanan, sa pamamagitan ng iba’t ibang karumal-dumal na paraan, pinatutunayan lamang nitong ang umano’y kalayaan sa pananalita ay kagamitang naglilingkod sa tangkang pulitikal. Maaaring matiis ng pag-unlad ng Xinjiang ang pagsusuri ng panahon at kasaysayan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method