Pilipinas, pansamantalang ipagbabawal ang pagpasok ng mga dayuhan sa bansa

2021-03-17 16:34:11  CMG
Share with:

Pansamantalang ipagbabawal ng Pilipinas ang pagpasok sa bansa ng mga dayuhan at ilang Pilipinong galing sa ibayong dagat.  Ang desisyon ay isinapubliko ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 nitong Marso 16, 2021. Ito ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa at pagpasok ng mga bagong variants ng coronavirus.

 

Magkakabisa ang travel ban simula Marso 20, 2021, 12:01AM at tatagal hanggang Abril 19, 2021.

 

Pero ayon sa NTF, maaaring pumasok sa Pilipinas ang mga dayuhang diplomata at mga Pilipinong nasa pangkagipitang kalagayan alinsunod sa mga itinakdang kondisyon ng pamahalaan gaya ng medical repatriation, distressed citizens, emergency at humanitarian cases.

 

Samantala, ipinatalastas din Marso 16, 2021, ng Pangasiwaan ng Abyasyong Sibil ng Pilipinas, na mula Marso 18, 2021, lilimitahan sa 1,500 bawat araw ang bilang ng mga pasaherong papasok sa Pilipinas mula sa Pandaigdigang Paliparan ng Manila.

Pilipinas, pansamantalang ipagbabawal ang pagpasok ng mga dayuhan sa bansa_fororder_pilipinas

Salin:Sarah

Pulido:Mac

 

Please select the login method