Pangkalahatang Kalihim ng UN: Inaasahan ang positibong bunga ng darating na pagtatagpo ng Tsina at Amerika

2021-03-17 16:30:56  CMG
Share with:

Ipinahayag Marso 16, 2021, ni Stéphane Dujarric de la Rivière, Tagapagsalita ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na lubos na inaasahan ni Guterres ang positibong bunga sa darating na pagtatagpo sa mataas na antas ng Tsina at Amerika.

Pangkalahatang Kalihim ng UN: Inaasahan ang positibong bunga ng darating na pagtatagpo ng Tsina at Amerika_fororder_guteleisi

Sinabi ni Dujarric na umiiral talaga ang pangkagipitang relasyon at mga problema sa pagitan ng Tsina at Amerika, pero mayroon ding paraan ng kooperasyon para sa dalawang bansa.

 

Ipinatalastas Marso 11, 2021, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa paanyaya ng Amerika, idaraos mula Marso 18 hanggang Marso 19, sa Anchorage,Amerika ang Mataas na Estratehikong Diyalogo na lalahukan nina Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Sentral na Komite ng Partido Komunista ng Tsina (CPC); Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina; Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika at Jake Sullivan, Asistente ng Pangulong Amerikano sa mga Pambansang Suliraning Panseguridad.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method