Ayon sa ulat ng Washington Post, Cable News Network (CNN) at ibang mediang Amerikano, isiniwalat kamakailan ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), na sa gitna ng pagsusuri ng mga internal documents, natuklasan nitong isinapubliko ng pamahalaan ni Donald Trump ang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic guidelines na walang batayang siyentipiko at hindi rin isinulat ang mga ito ng mga dalubhasa. At ang mga dokumentong ito ay binura ng CDC.
Salin:Sarah
Pulido:Mac