Sa talumpati Marso 17, 2021, sa Ika-46 na Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), tinukoy ng kinatawang Tsino na tuluy-tuloy na lumalala ang kalagayan ng karapatang pantao sa Amerika.
Hinihiling aniya ng Tsina sa Amerika na agarang itigil ang pagpinsala sa karapatang pantao, at isagawa ang aktuwal na aksyon para itigil ang paglala ng kalagayan ng karapatang pantao.
Sinabi ng kinatawang Tsino na sa harap ng pandemiya ng Corona Virus Disease, hindi isinagawa ng Amerika ang malakas na hakbangin, na nagdulot ng daan-daang libong kamatayan.
Nananangan din aniya ang Amerika sa “Nasyonalismo ng bakuna,” at tinanggihang ang pagkakaloob ng bakuna sa ibang bansa na kinabibilangan ng mga kaalyado nito.
Bukod dito, tinukoy ng kinatawang Tsino, na isinagawa ng Amerika ang unilateral na hakbangin sa ilang umuunlad na bansa, na malubhang lumabag sa pandaigdigang batas, at nagdulot ng grabeng krisis ng karapatang pantao.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio