Pag-unlad at pangangalaga sa karapatang pantao ng mga etnikong grupo ng Tsina, tinalakay sa sidelines ng sesyon ng UNHRC

2021-03-15 16:21:15  CMG
Share with:

Ginanap nitong Biyernes, Marso 12, 2021 sa sidelines ng Ika-46 na Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), ang video conference hinggil sa pag-unlad at pangangalaga sa karapatang pantao ng mga etnikong grupo ng Tsina.
 

Tinalakay ng mga kalahok ang hinggil sa mga paksang gaya ng pag-unlad, pagbabawas sa karalitaan, kalusugan, pagkakapantay ng kasarian, pangangalaga sa kapaligiran at iba pa. 
 

Ipinalalagay ng mga kalahok na may malaking pag-unlad ang kabuhayan at lipunan sa mga rehiyon ng pambansang minoriya ng Tsina, lalung-lalo na, sa Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang.
 

Sa pamamagitan ng datos, katotohanan at kani-kanilang personal na karanasan, ibinunyag nila ang mga pagpipilipit ng katotohanan at pagluluto ng mga kasinungalingan ng ilang bansang kanluranin, para mas mainam na maunawaan ng komunidad ng daigdig ang tunay na kalagayan ng pag-unlad ng mga pambansang minorya ng Tsina.
 

Inilabas din ng nasabing komperensya ang pahayag na nananawagan sa iba’t ibang pamahalaan, organisasyong pandaigdig at organisasyong panlipunan na umaksyon, upang igarantiya ang pantay-pantay na inklusyon ng lahat ng mga mamamayang kinabibilangan ng mga etinikong grupo sa mga programang pangkasaganaan, at pangalagaan ang kanilang karapatan sa pagkakaroon ng katarungan ng lipunan.
 

Dumalo sa nasabing komperensya ang mga namamahalang tauhan ng mga kaukulang organisasyong panlipunan, dalubhasa at iskolar mula sa mga bansang gaya ng Tsina, Thailand, Rusya, Ehipto, Serbia, Tajikistan, Kazakhstan, Pakistan at iba pa.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method