Magkasanib na pahayag ng Amerika at Hapon tungkol sa Tsina, isang sabwatan at pagbubulag-bulagan sa katotohanan — Tsina

2021-03-18 14:35:11  CMG
Share with:

Idinaos nitong Martes, Marso 16, 2021 ang Pulong ng mga Ministrong Panlabas at Ministrong Pandepensa ng Amerika at Hapon kung saan ipinalabas ang magkasanib na pahayag. 
 

Ayon dito,  ang mga kilos ng Tsina ay hindi tumutugma sa kasalukuyang kaayusang pandaigdig, at banta sa komunidad ng daigdig. 
 

Ipinahayag din nito ang pagkabahala sa mga isyung gaya ng Taiwan, Hong Kong, at Xinjiang.
 

Kaugnay nito, sinabi nitong Miyerkules, Marso 17, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang nasabing magkasanib na pahayag ay isang pagsalakay sa patakarang panlabas ng Tsina, grabeng panghihimasok sa suliraning panloob ng Tsina, at maliwanag na tangka upang wasakin ang kapakanan ng panig Tsino.
 

Ipinahayag niya ang matinding kawalang-kasiyahan at matatag na pagtututol ng Tsina tungkol dito. 
 

Iniharap na aniya ng panig Tsino ang solemnang representasyon sa Amerika at Hapon.
 

Ipinahayag ni Zhao, na iisa lang ang sistemang  pandaigdig kung saan ang nukleo ay United Nations (UN). 
 

Iisa lang din aniya ang alituntunin hinggil sa  pundamental na norma ng relasyong pandaigdig,  kung saan ang pundasyon ay layunin ng “UN Charter.” 
 

Walang kuwalipikasyon ang Amerika at Hapon na unilateral na tiyakin ang relasyong pandaigdig,  diin ni Zhao.
 

Aniya pa, buong tatag na hinihimok ng panig Tsino at Amerika at Hapon na agarang itigil ang panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina, at agarang itigil ang kanilang kilos na nakakapinsala sa kapayapaan at katatagang panrehiyon.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method