Paggamit ng AstraZeneca vaccine kontra COVID-19, patuloy na iminungkahi ng WHO

2021-03-18 16:25:09  CMG
Share with:

Paggamit ng AstraZeneca vaccine kontra COVID-19, patuloy na iminungkahi ng WHO_fororder_20210318AstraZeneca

Ayon sa pahayag ng World Health Organization (WHO) nitong Miyerkules, Marso 17, 2021, kahit pansamantalang itinigil ng maraming bansa ang paggamit ng Astra Zeneca vaccine kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) bilang hakbanging pamprebensyon, iminumungkahi pa rin ng WHO ang pagtuturok ng nasabing bakuna, dahil mas malaki ang bisa nito sa pagpigil sa pandemiya kaysa nakatagong panganib.
 

Anang pahayag, sa kampanya ng malawakang pagbabakuna, nagiging norma ng iba’t ibang bansa ang pagpapadala ng feedback hinggil sa mga nakatagong adverse reaction pagkatapos ng pagbabakuna, pero hindi ito nangangahulugan na ang mga adverse reaction ay may kinalaman sa pagbabakuna, at ang imbestigasyon sa ganitong pangyayari ay isang magandang kilos.
 

Ayon pa sa pahayag, sa kasalukuyan, sinusuri pa rin ng Global Advisory Committee on Vaccine Safety (GACVS) ang pinakahuling datos hinggil sa seguridad ng AstraZeneca vaccine, samantalang pinanatili ang pakikipag-ugnayan sa European Medicines Agency at ibang organo ng pagsusuperbisa’t pangangasiwa sa daigdig, para malaman ang pinakahuling impormasyon.
 

Sa sandaling matapos ang pagsusuri, ipapaalam kaagad ng WHO ang resulta sa publiko, dagdag ng pahayag.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method