Op-Ed: Bakuna, pag-asa ng pagsagip ng mga buhay sa halip na kagamitan ng pulitikal na paglilinlang

2021-03-18 15:03:57  CMG
Share with:

Kamakailan, patuloy na umiinit ang talakayan sa Pilipinas tungkol sa isyu ng bisa at kaligtasan ng bakunang Tsino kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na nakakatawag ng pansin sa loob ng bansang ito.

Op-Ed: Bakuna, pag-asa ng pagsagip ng mga buhay sa halip na kagamitan ng pulitikal na paglilinlang_fororder_20210318PinasPangalawa550

Hayagang pinagdudahan kamakailan ni Leni Robredo, Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, ang bakunang Tsino. Puspusan din niyang sinusuportahan ang pagsusuri ng mga mananaliksik ng bansa ang mga bakunang Tsino sa pamamagitan ng Health Technology Assessment Commission (HTAC).

 

Bakit may ganitong paniniwalang hindi kasing-inam ang “Made in China” kumpara sa “Made in America” o “Made in Britain?”

 

Ito ay may malaking kaugnayan o konektado sa pagsusulsol at paninira ng mga pro-American politicians at media sa loob ng Pilipinas.

 

Kaugnay ng bakunang gawa ng Tsina, hanggang sa kasalukuyan, maraming dayuhang lider ang naturukan na ng mga bakuna mula sa Tsina. Sila ay ang mga sumusunod:

Op-Ed: Bakuna, pag-asa ng pagsagip ng mga buhay sa halip na kagamitan ng pulitikal na paglilinlang_fororder_20210318Seychelles550

Noong Enero 10, nabakunahan ng bakunang gawa ng Sinopharm ng Tsina si Pangulong Wavel Ramkalawan ng Seychelles.

Op-Ed: Bakuna, pag-asa ng pagsagip ng mga buhay sa halip na kagamitan ng pulitikal na paglilinlang_fororder_20210318Indonesia500

Noong Enero 13, nagpaturok si Pangulong Joko Widodo ng Indonesia ng  bakunang gawa ng Sinovac ng Tsina.

Op-Ed: Bakuna, pag-asa ng pagsagip ng mga buhay sa halip na kagamitan ng pulitikal na paglilinlang_fororder_20210318Turkey550

Noong Enero 14, tinanggap ang Sinovac vaccine jab ni Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkey.

Op-Ed: Bakuna, pag-asa ng pagsagip ng mga buhay sa halip na kagamitan ng pulitikal na paglilinlang_fororder_20210318Peru550

Noong Pebrero 9, nabakunahan si Pangulong Francisco Rafael Sagasti Hochhausler ng Peru ng bakuna ng Sinopharm.

 

Noong Marso 8, Sinovac ang itinurok kay Pangalawang Pangulong Beatriz Argimón ng Uruguay.

 

At maraming pang dayuhang politiko.

Op-Ed: Bakuna, pag-asa ng pagsagip ng mga buhay sa halip na kagamitan ng pulitikal na paglilinlang_fororder_20210318Pele550

Bukod dito, noong Marso 2, pinili rin ni Pele o Édson Arantes do Nascimento ang bakunang Tsino. Sa social media platform, ibinahagi niya ang isang litrato at sinabing “Isang di-makakalimutang araw.”

 

Samantala, magkakasunod na ipinahayag ng maraming bansa ang kanilang kahandaang bumili ng mga bakunang Tsino.

 

Ang mga bansang Europeo na gaya ng Alemanya ay nagpa-abot din ng kanilang pag-asang makakabili ng bakunang Tsino.

Op-Ed: Bakuna, pag-asa ng pagsagip ng mga buhay sa halip na kagamitan ng pulitikal na paglilinlang_fororder_20210318bakunangTsino550

Sa katotohanan, nitong ilang taong nakalipas, sa abot-kayang presyo, nagkaloob ang mga malalaking Chinese pharmaceutical companies na kinabibilangan ng Sinovac, ng mga medisina at bakuna sa Pilipinas na gaya ng mga flu vaccines.

 

Hindi ba pinakamabuting mga patunay ito na ligtas at mabisa ang mga bakunang Tsino?

 

Sa isa pang aspekto, epektibo at ligtas ba ang mga bakuna ng ibang bansa?

Op-Ed: Bakuna, pag-asa ng pagsagip ng mga buhay sa halip na kagamitan ng pulitikal na paglilinlang_fororder_20210318HuiRui550

Ayon sa datos ng American Centers for Disease Control and Prevention, sapul nang magsimula ang pagbabakuna ng bansang ito mula noong gitnang dako ng nagdaang Disyembre hanggang noong unang dako ng nagdaang buwan, mga 40 milyong mamamayang Amerikano ang nabakunahan. Kabilang dito, mahigit isang libo ang namatay pagkatapos nilang magpaturok ng bakuna ng Pfizer vaccine. Bukod dito, magkakasunod na ibinalita ng mga bansang gaya ng Hapon, Italya, at Norway ang impormasyon ng pagmatay ng mga nabakunahan ng Pfizer vaccine.

Op-Ed: Bakuna, pag-asa ng pagsagip ng mga buhay sa halip na kagamitan ng pulitikal na paglilinlang_fororder_20210318Azilikang550

Kasabay nito, dahil sa pinagdududahang side effect na “blood clotting,” magkakasunod na ipinatalastas ng ilang bansang Europeo ang komprehensibo o pansamantalang pagsuspendi ng pagturok ng AstraZeneca vaccines.
 

Ang paglalahad ng mga ito ay hindi naglalayong mas paangatin ang bakunang Tsino sa bakuna ng ibang bansa. Ang pinakamahalagang bagay sa ngayon ay dapat itigil ang lahat ng walang kuwentang pagtatalo. Dapat iturok ng mga tao ang bakuna, at dapat iligtas ng mga tao ang kanilang sarili.

 

Ngunit, para sa pagiging popular o pribadong kapakanan, ipinalabas ng ilang politiko at media ang mga pananalitang walang anumang kinalaman o papel sa pakikibaka laban sa pandemiya at pagliligtas ng mga mamamayan. Dahil ang bakuna ay pag-asa sa pagsagip ng mga buhay sa halip ng kagamitan ng pulitikal na paglilinlang.

 

Nagsisilbing isang espesyal na salamin ang bakuna na hindi lamang nakikita dito ang katapatan at pagsasabalikat, kundi pa ang pagmamayabang at pagkiling.

Op-Ed: Bakuna, pag-asa ng pagsagip ng mga buhay sa halip na kagamitan ng pulitikal na paglilinlang_fororder_20210318Carlito550

Ipinahayag kamakailan ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na mula darating na Abril hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon, makukuha ng pamahalaang Pilipino ang di-kukulangin sa 20 milyong bakuna kontra sa COVID-19 na kinabibilangan ng Sinovac vaccine, mga bakunang ipagkakaloob ng COVAX ng World Health Organization (WHO), Novavax vaccine ng Amerika, at AstraZeneca vaccine ng Britanya.

 

Walang duda, ito ay magandang balita para sa Pilipinas. Taos-pusong  inaasahan at lipos ng pag-asa na ang Pilipinas ay magtatagumpay sa laban kontra pandemiya.

 

Kung talagang tunay na mabisang sandata laban sa COVID-19 ang bakuna at ililigtas nito ang buhay ng mga tao, hindi na mahalaga kung saan galing ang bakuna, maging sa Tsina man o sa ibang bansa.


May-akda: Lito
Pulido: Mac / Jade

Please select the login method