Ikatlong pangkat ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Tsina, dumating ng Hungary

2021-03-18 15:58:55  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng social media, ipinahayag Marso 17, 2021 ni Peter Szijjarto, Ministro ng mga Suliraning Panlabas at Pangkalakalan ng Hungary, na dumating nang araw ring iyon sa Budapest, kabisera ng Hungary, ang ikatlong pangkat ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) mula sa Tsina.

 

Ikatlong pangkat ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Tsina, dumating ng Hungary_fororder_hungarybakuna

Sinabi niya na 43 araw na mas maagang dumating ang nasabing mga bakuna kumpara sa itinakdang petsa, at ito ay nagdulot ng mas maraming pagkakataon para sa pagliligtas ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan ng Hungary.

 

Matatandaang dumating ng bansa ang una at ikalawang pangkat ng bakunang gawa ng Tsina noong Pebrero 16 at Marso 11.

 

Nagpa-iniksiyon ng bakunang gawa ng Tsina sina Pangulong Janos Ader at Premyer Orban Viktor ng Hungary.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method