Sa kanyang panayam sa Xinhua News Agency ng Tsina, ipinahayag ni Elliott Harris, Punong Ekonomista ng United Nations (UN), na napakinggan niya ang balita tungkol sa komprehensibong pagpapawi ng Tsina sa ganap na karalitaan, at ito ay nagdulot ng inspirasyon sa kanya.
Si Elliott Harris/file photo
Ipinalalagay ni Harris na katangi-tangi ang pagpawi ng Tsina sa ganap na karalitaan at ito ay nagsisilbing inspirasyon sa kasaysayan ng buong sangkatauhan.
Aniya, ang unang dahilan ng pagtatagumpay ng Tsina ay pagpupunyagi ng mga mamamayang Tsino.
Sinabi niyang sa simula ay mahirap ang kondisyong kinaharap ng Tsina sa usapin ng pagpawi ng karalitaan, pero hindi ito naging hadlang sa pagsisikap ng mga mamamayang Tsino.
Bukod dito, sinabi ni Harris, na ang "buong lakas na pagpapaunlad ng kabuhayan sa kanayunan kung saan napakarami ang mahihirap na populasyon" at "lubos na paggamit ng digital na teknolohiya"ay dalawang magandang aksyon ng Tsina na sulit aralin ng komunidad ng daigdig.
Aniya pa, ang karanasan ng Tsina sa pagpawi ng karalitaan ay mabuting modelo ng daigdig.
Dapat patuloy na magsikap ang UN, para mapawi ang karalitaan bago ang taong 2030, at isakatuparan ang mga pangako nito, 5 taon na ang nakaraan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio