Tinanggap Marso 18, sa Pambansang Palasyo sa Kuala Lumpur, Malaysia, ni Sultan Abdullah Sultan Ahmad Shah, pinakamataas na lider ng Malaysiya, ang kredensiyal ni Ouyang Yujing, Bagong Embahador na Tsino sa Malaysia.
Si Sultan Abdullah Sultan Ahmad Shah/file photo
Sa seremonya, ipinahayag ni Abdullah ang kanyang pag-asa na lalo pang mapapaunlad ang bilateral na relasyon ng Malaysia at Tsina, para sa kapakinabangan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sinabi naman ng bagong embahador na Tsino, na sa ilalim ng kasalukuyang panahon, mahigpit ang ugnayan ng kinabukasan ng Tsina at Malaysia, at may bagong pagkakataon ng pag-unlad ang kooperasyon ng dalawang bansa.
Magsisikap aniya siya, para lalo pang paunlarin ang komprehensibong estratehikong partnershp ng Tsina at Malaysia, at patitibayin at palalalimin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Mac