Ipinatalastas nitong Biyernes, Enero 1, 2021 ng pamahalaan ng Malaysia na dahil sa malinaw na pagdaragdag ng mga kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa loob ng bansa, bibigyang palugit ang pambansang restriksyong tinatawag na "Movement Control Order" hanggang ika-31 ng Marso.
Ayon kay Ismail Sabri Yaakob, Ministro ng Depensa ng Malaysia na namamahala sa koordinasyon ng mga hakbangin sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, nakatakdang mawalan ng bisa ang nasabing restriksyon sa Disyembre 31, 2020. Pagkaraan ng pagtasa ng departamento ng kalusugan, ipinasiya ng pamahalaan na patuloy na isasagawa ang restriksyong ito mula Enero 1 hanggang Marso 31, upang kontrulin ang pagkalat ng pandemiya.
Ipinakikita ng datos ng Ministri ng Kalusugan ng Malaysia nitong Biyernes, sa loob ng 24 na oras, 2,068 ang kabuuang bilang ng mga bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Salin: Vera